PLOP! CLICK!

Ano nga ba ang "Plop! Click!" ?

Ang pagkakaintindi namin, kapag gusto mong malaman ang lalim o babaw ng tubig na iyong makikita o dadaanan (hal. ilog o dagat), kailangan mong  magbato sa malayo at doon mo maririnig ang tunog na "plop!" at kapag nasa malapit ang tunog nito ay "click!"
Dito mo mauunawaan ang salitang 'Plop! Click!'

Anong uri ng teorya ang kwentong "Plop! Click!" ?

Ito ay Teoryang Romantisismo. Ang ibig sabihin ay  nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda. Ang damdaming ito ay ipinahihiwatig sa salita, parirala at pangungusap. 
Nagbibigay ang teoryang ito ng patunay hinggil sa mga bahaging nagpapakita ng:
-pagtakas sa katotohanan
-fantasya

 

MGA PANGUNAHING TAUHAN

A) Koto (ang  amo)
B) Kikuichi (ang alalay)

Ang tagpuan ay nasa bukirin at sa dalampasigan.

DOBU KACCHIRI

-nagsulat ng Plop Click
 -kilala sa pangalang Kurruruchi sa Japan

  MGA PANGYAYARI (BUOD)

 Noong una hindi pumayag si koto pero nung huli ay napapayag na din ito. Nang papasanin na ni kikuichi si koto ay ang taong nagdaraan ang siyang sumakay at siya ang napasan ni kikuichi. Nang makarating na sila ng pangpang at hinahanap ni koto si kikuichi at tinanong kung bakit hindi pa daw niya pinapasan ito. Sabi naman ni kikuichi ay naipasan na daw niya ito. Nagalit si koto, kaya naman bumalik si kikuichi para pasanin si koto ngunit siya ay natalisod at sila ay nabasa. Nang nasa pangpang na sila ay naisip ni koto na uminom na lamang ng sake. Unang lagay ay ang lalaking nagdaraan ang uminom ng sake. At maging pangalawang tagay. Nagaglit na si koto kay kikuichi dahil naubos na ang sake. Pinag away ng nagdaraan ang dalawa. At sinaktan ito upang magkagalit sila. Sa huli ay nag away ang dalawa at walang kamalay malay na sila ay pinag away lamang. 

Si koto ay amo ni kikuichi. Sila ay parehas bulag, isang araw naisipan ni koto na mamasyal at iinum din siya ng sake. Ang sake ay inumin o alak ng mga Japanese na gawa sa bigas. Naghanda sa pamamasyal sila koto at kuichi gusto ni koto na pumuntang kapatagan sapagkat lumalawak daw ang kanyang puso at nakakapag pagaan daw ito ng loob niya. Habang naglalakad ay nag uusap sila tungkol sa Heiki. Ito ay isang pampanitikang epiko. Sabi ni koto kay kikuichi ay kapag maitalaga daw siya bilang isang kengyo ay gagawin daw niyang koto si kikuichi.

Maya maya ay nakarinig sila ng rumaragasang tubig at siguro ay ito ay isang dagat. Kailangan nilang tumawid sa kabilang pampang. Naghagis sila ng bato. Ang unang hagis ay tumunog ng plop! Ibig sabihin ay malalim ito. Sa kabilang banda naman ay click ibig sabihin ay mababaw lang dun. May nagdaan at nakita ang dalawang bulag. Pinag katuwaan niya ang dalawang bulag. Sabi ni kikuichi ay bubuhatin niya na lang daw si koto. 

ANG MENSAHE SA AKDA

Ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi hadlang upang magawa natin ang gusto nating gawin, bagkus ito'y isa lamang na nagsisilbing pagsubok na haharapin na sinadyang ilaan sa atin ng Diyos na kapag ating nalampasan ay may ginhawang madarama.

[TAPOS NA.

Made with Slides.com